Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tagtuyot, kawalan ng tubig na maiinom, mga problemang nakaligtaan ng mga kandidato

(GMT+08:00) 2016-05-05 18:33:16       CRI

SA likod ng matatamis na pangako ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang-pangulo at senador, umabot na sa 40% ng Pilipinas ang hinahagupit ng El Nino na kinatatagpuan ng bitak-bitak na lupang dati'y mga maisan sa Saranggani sa Mindanao at mga kalapit-pook.

Ayon sa ulat ng United Nations – Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, may mga taong bihira nang kumain ng kanin at tinapay. Sa kanilang pananaliksik sa Mindanao, nabatid na mayroong mga magsasakang hindi na kumita sa dalawang planting seasons at nabaon sa pagkaka-utang. Nangayayat na rin ang kanilang mga alagang hayop at tanging tubig na lamang ang naibibigay sapagkat wala ng damong masabsab. Tanging tuyong busal ng mais ang kanilang kinakain.

Deklarado na ang state of calamity sa Alabel, Saranggani noon pa mang 2015 nang magsimulang madama ang epekto ng El Niño. Tinatayan ng United Nations na mayroong 40% ng Pilipinas ang naghihirap sa tindi ng init. May 11 lalawigan, 10 lungsod at 26 na mga baya't barangay sa bansa na karamiha'y nasa Mindanao ang deklaradong na sa ilalim ng state of calamity.

May 182 libong magsasaka na nagbubungkal ng may 224,800 ektaryang sakahan ang apektado ng El Niño.

Matinding dagok sa mga nagsilikas na mamamayan ang patuloy na tagtuyot. Noong nakalipas na buwan ng Enero, bumaba ang tubig sa pinaka-imbakan ng Zamboanga City kaya't nagrasyon na lamang sila ng tubig.

Kada dalawang araw na silang nagdadala ng tubig sa Mampang-1 transition site mula noong huling linggo ng Marso. Ang mga may kakayahan ay bumibili na lamang ng tubig na maiinom. Limitado rin ang truck ng Zamboanga Water District na maghahatid ng tubig sa lahat ng bahagi ng lungsod at sa 12 transition sites.

May 23,000 pa rin ang Internally Displaced Persons mula ng sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga kawal ng pamahalaan at mga kasapi ng Moro National Liberation Front noong ika-siyam na araw ng Setyembre 2013. Sa pinakahuling bilang, may 15,300 ang nasa transition sites na walang hanapbuhay. Ang iba ay nakikitira sa mga kamag-anak at mga kaibigan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>