Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Susunod na administrasyon, maraming nararapat gawin

(GMT+08:00) 2016-05-05 18:35:33       CRI

MARAMING nararapat gawin ang susunod na administrasyon sa larangan ng paglutas sa kahirapan at kalusugan.

Ito ang sinabi ni Dr. Manuel M. Dayrit, dating kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan sa isang panayam sa idinaos na pulong na pinamagatang Health for Juan & Juana sa Asian Institute of Management kahapon.

Isa sa pinakamabigat na problema ng pamahalaan ay kung paano makararating ang mga mamamayan sa health services sa mga lunsod at bayan.

Ipinaliwanag ni Dr. Dayrit na may mga tao sa mga lunsod, sa mga lalawigan, mahihirap at mayayaman at may mga taong nangangailangan ng tulong para sa kanilang mga karamdaman. Napakalaking hamon umano kung paano napakikinabangan ng mga mamamayan ang buong sistema ng kalusugan at kung paano magagamit ang mga palatuntunan para sa taongbayan.

Kailangang malutas ang problema ng kahirapan sapagkat mas maraming mahihirap ang may karamdaman na siyang hirapang makalapit sa mga tanggapan, klinika o pagamutan upang maibsan ang sakit. Kahit pa may ginawagang hakbang ang pamahalaan sa larangan ng ekonomiya tulad ng pagdaragdag sa Gross National Product at sa social safety nets tulad ng pagkakaroon ng 4Ps upang mabigyan ng Conditional Cash Transfer, kailangan ding mapahusay ang mga programang lulutas sa pinaka-ugat ng kahirapan.

Bilang dekano ng Ateneo School of Medicine and Public Health, ipinaliwanag ni Dr. Dayrit na tinuturuan nila ang kanilang mga estudyante na maging magagaling na manggagamot na nakababatid ng mga pangangailangan ng mga mahihirap.

Hindi sapat na maging magaling na manggagamot kungdi aktibong mga mamamayang nakababatid na mga suliranin ng lipunan, dagdag pa ni Dr. Dayrit.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>