Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PAO Chief Acosta, dumulog sa hukuman

(GMT+08:00) 2016-05-05 18:37:39       CRI

HINILING Ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta sa hukuman sa Infanta, Quezon na pagbalik-aralan ang desisyon nitong tumangging makapagpiyansa sa kasong murder si Maria Miradel Torres, isang kasapi ng Gabriela sa Quezon Province.

Ani Atty. Acosta, mayroong Enrile doctrine mula sa Korte Suprema na nagpahintulot kay Senador Juan Ponce Enrile na makapagpiyansa mula sa kasong plunder "on humanitarian grounds."

Ipinaliwanag ni Atty. Acosta na si Torres ay isang inang nagpapasuso ng kanyang sanggol at mahihirapang makalayo sa kanyang anak.

Mayroon na ring kaso na pinamagatang People of the Philippipnes vs Monda na nagpawalang-sala sa akusado dahilan sa 'di pagkakatugma ng mga pahayag ng mga saksi ng taga-usig. Isang saksi ang nagsabing narinig lamang niya ang mga pangalan ng 39 na tao sa sinasabing pananambang noong Marso 2012 sa Infanta, Quezon.

Nagparating ng motion for reconsideration ang mga abogado ni Torres noong ika-19 ng Abril matapos tanggihan ng hukuman ang bail petition noong ika-apat ng Abril dahil positibo umanong nakilala ni Private First Class Bamba si Torres na kasama sa mga nanambang.

Apat na buwang buntis si Torres ng madakip ng walang warrant of arrest ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines noong Hunyo ng 2014 sa Lucena City. Nahaharap si Torres sa kasong murder at frustrated murder sa Regional Trial Court Branch 65 sa Infanta, Quezon. May 38 iba pang mga aksuado ang nasa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa. Nagsilang si Torres ng kanyang sanggol na lalaki noong Nobyembre 2014.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>