Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Fr. Picardal, nangangamba sa magiging liderato ni Mayor Duterte

(GMT+08:00) 2016-05-05 18:39:25       CRI

ILANG araw bago sumapit ang halalan sa Lunes, ika-siyam ng Mayo, sinabi ni Fr. Amado Picardal, isang misyonerong kabilang sa Congregation of the Most Holy Redeemer, na nangangamba siya sa magiging istilo ni Mayor Rodrigo Duterte kung maluklok na pangulo ng bansa.

Sa kanyang blogsite, sinabi ni Fr. Picardal na hindi pinansin ni Mayor Duterte ang batas at karapatang pangtao sa kanyang pamumuno sa pagpaslang sa may 1,424 na mamamayan na karamiha'y mga kabataan at pawang mga anak ng mahihirap.

Darating ang pagkakataong ang 1,000 sa Davao ay posibleng lumago sa 100,000 sa buong bansa. Ikinatatakot din ni Fr. Picardal ang talumpati ni Mayor Duterte na bubuwagin niya ang Congreso at magpapakalat ng mga mamamatay-tao.

Binalaan na rin ni Mayor Duterte ang Congreso, Commission on Human Rights at maging Ombudsman na huwag hahadlangan ang kanyang pamamalakad.

Sa oras umanong manungkulan si G. Duterte sa panguluhan, maglulunsad siya ng anti-criminality drive lalo pa't binigyan niya ang kanyang sarili ng tatlo hanggang anim na buwan. Kung susunod siya sa batas, hindi niya matatapos ang kanyang pangako. Kailangang mag-ibayo ng operasyon ang Philippine National Police, partikular ang mga nasa intelligence section. Tiyak ang case build-up at maghahanap ng ebidensya. Kakasuhan ang sinumang mababatid na lumalabag sa batas. Sa pagkakataong ito, tatagal ang usapin sa hukuman at maaaring umabot ng ilang taon.

Gagawa ng shortcuts si G. Duterte at libu-libo na namang mamamayan ang tiyak na maa-apektuhan. Bubuo siya ng revolutionary government tulad ng ginawa ni Marcos noong ideklara ang Martial Law.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>