|
||||||||
|
||
Sa isang text message sa CRI Filipino Service, sinabi ni Consul General Julius Flores ng Consulate General ng Pilipinas sa Xiamen, Fujian, na ayon sa Fujian Public Security Department, walang apektadong Pinoy at ibang dayuhan sa insidente. Dagdag pa niyang makikipagkoordina pa ang konsulada sa Sanming City kung saan matatagpuan ng Taining, pinangyarihan ang kalamidad.
Ang landslide na naganap mga alas-5 ng umaga nitong Linggo ay dulot ng malakas na pag-ulan na nagsimula Sabado. Nabaon sa landslide ang isang gusali at pansamantalang panirahan sa construction site ng isang hydropower station.
Makaraang maganap ang kalamidad, agarang inutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang panig na buong sikap na hanapin ang mga nawawala, lunasan ang mga nasugatan at maayos na hawakan ang mga gawain para damayan ang mga kamag-anak ng mga nasugatan at nawawala. Hiniling din nilang pigilan ang mga secondary disaster, isagawa ang mahigpit na pagsusuri para alisin ang mga nakatagong panganib at aktuwal na pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan.
Mga sugatan na tumatanggap ng panggagamot sa lokal na ospital ng Taining, Fujian Province. (Xinhua/Lin Shanchuan)
Patuloy ang paghahanap at pagliligtas ng mga rescuer sa pinangyarihan ng landslide. (Xinhua/Xiang Jiangmin /Lu Dawei)
Tagapagsalin: Jade/Ernest
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |