Sinimulan kamakailan ang "2016 Big Ideas Competition for Sustainable Cities and Urban Communities" ng mga bansa sa Timog-silangang Asya, na itinataguyod ng United Nations Development Programme(UNDP).
Ipinahayag ng opisyal ng UNDP sa mga suliranin ng Asya-Pasipiko, na ang nasabing contest ay para makakuha ng direktang impormasyon at datos hinggil sa problemang kinakaharap sa proseso ng pag-unlad ng mga bagong kalunsuran sa Asya-Pasipko, at pumulot ng bagong ideya at katalinuhan ng mga batang henerasyon sa pagpapasulong ng pamamahalang pangkalunsuran. Dagdag pa ng opisyal, ito ay makakatulong sa maayos na paghawak at paglutas ng ibat-ibang isyu sa prosesong pangkaunlaran ng kalunsuran, na gaya ng transportasyon, enerhiya, kapahamakan, pagbabago ng klima at iba pa.