Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Humanitarian aid efficiency improvement scheme, inilunsad ng UN

(GMT+08:00) 2016-05-24 17:11:51       CRI

Istanbul, Turkey—Sa unang Pandaigdig na Humanitarian Summit, inilunsad nitong Lunes, Mayo 23, 2016, ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang planong naglalayong malakihang pasulungin ang episyensya ng makataong tulong.

Ang nasabing plano ay tinatawag na Grand Bargain. Iniharap ito ng isang high-level panel noong unang dako ng taong ito.

Ayon kay Kristalina Georgieva, Budget and Human Resources European Commissioner, isa sa mga lumikha ng Grand Bargain, sa pamamagitan ng programang ito, matitipid ng UN ang di-kukulangin sa isang bilyong U.S. dollar sa overhead expense sa susunod na limang taon. Idinagdag niyang matutupad ito sa pamamagitan ng paglilipat ng resources sa frontline delivery mula sa backroom activities.

Ang pagpapasulong ng aid efficiency ay isa sa mga pangunahing paksa sa dalawang-araw na unang pandaigdig na humanitarian summit. Nilahukhan ang summit ng mahigit 5,200 kinatawan na kinabibilangan ng 65 puno ng estado at pamahalaan, tauhan mula sa private sector, pandaigdig na organisasyon at aid groups.

Ayon sa UN, sa kasalukuyan, 125 milyon hanggang 130 milyong tao sa buong mundo ang nangangailangan ng humanitarian aid. Sa taong ito, ang kakailanganing pondo ay tinatayang aabot sa 40 billion U.S. dollar, pero, 25 billion o 60% lamang ng kabuuang halaga ng nakalap. Noong taong 2015, ang pondo ay mga 20 bilyong dolyares.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>