Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekspertong Dutch: pandaigdig na arbitrasyon, hindi angkop na paraan para lutasin ang hidwaan sa South China Sea

(GMT+08:00) 2016-05-26 16:49:37       CRI
Nagpalabas kamakailan ng artikulo hinggil sa South China Sea arbitration si Tom Zwart, propesor sa batas ng Utrecht University ng Netherlands, kasama ng kanyang mag-aaral na Tsino. Ipinalalagay ni Zwart, na ang pandaigdig na arbitrasyon ay hindi angkop na paraan para lutasin ang hidwaan sa South China Sea, at sa halip, dapat isagawa ng iba't ibang panig ang talastasan.

Sa artikulo, sinabi ni Zwart, na hindi malulutas, sa pamamagitan ng hukuman o tribunal, ang hidwaan na may labis na maraming kasangkot na panig at may kinalaman sa labis na maraming interes. Aniya, ang isyu ng South China Sea ay kabilang sa ganitong uri ng hidwaan.

Inamin ni Zwart, na ang batas ay isang paraan para lutasin ang hidwaan, at kailangang buuin paminsan-minsan ang tribunal para sa pagpapatupad ng batas. Pero aniya, kung ang batas o tribunal ang magiging hadlang sa paglutas sa hidwaan, o kahit magpapalala ng hidwaan, hindi dapat gagamitin ang mga ito. Pagdating sa situwasyong ito, ginamit ni Zwart ang metapora, at sinabi niyang kung gusto mong pagharapin ang mga tao, ang ihahandog mo ay tsaa, sa halip ng espada.

Tinukoy din ni Zwart, na mahalaga ang South China Sea sa aspekto ng geopolitics. Kaya aniya, ang hidwaan sa karagatang ito ay dapat lutasin sa pamamagitan ng paraang pulitikal, sa halip ng organong hudisyal. Ayon kay Zwart, ipinalalagay ng mga tao na gagawin ng hukuman ang hatol sa anumang isyu, na kinabibilangan ng mga masalimuot na isyung pulitikal. Pero aniya, taliwas sa katotohanan ang ideyang ito. Ani Zwart, hindi ginagawa ng mga hukuman ng Pransya ang hatol sa kasong may direktang kinalaman sa pamahalaan ng ibang bansa, hindi ginagawa ng mga hukuman ng Britanya ang hatol sa kasong may kinalaman sa diplomasya, at hindi nakikialam ang mga organong hudisyal ng Amerika sa mga desisyon ng pangulo hinggil sa digmaan at kapayapaan. Ipinalalagay ni Zwart, na kung matalino ang arbitral tribunal, dapat sundin nito ang ganitong kagawian, at tanggihan ang South China Sea arbitration case.

Nananalig din si Zwart, na ang pinakamagandang solusyon sa hidwaan sa South China Sea ay talastasang magbibigay-diin sa kooperasyon at itatakwil ang kompetisyon. Aniya, sa halip ng "win or lose," ang win-win ay angkop sa komong interes ng iba't ibang bansa sa karagatang ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>