Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

10 bunga, pasusulungin ng Tsina sa 2016 G20 Summit

(GMT+08:00) 2016-05-26 19:17:53       CRI

Sa news briefing Huwebes, May 26, 2016, na may kinalaman sa G20 Summit na gaganapin sa Tsina sa Setyembre, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na bilang punong-abala, nagsisikap at magsisikap ang Tsina, kasama ang lahat ng ibang mga panig, para matamo ng summit ang sampung (10) bunga.

Anya, una, itatakda sa summit ang blueprint para sa kaunlaran ng daigdig sa pamamagitan ng inobasyon. Idinagdag ni Wang na batay sa nasabing blueprint, magkakaroon ang kabuhayang pandaigdig ng bagong lakas na pampasigla at magtatakda rin ang G20 ng mga plano ng aksyon sa larangan ng inobasyon, bagong rebolusyong industriyal, at digital economy.

Ipinahayag ni Wang na ang ibang mga matatamong bunga ay kinabibilangan ng pagbalangkas ng plano ng aksyon hinggil sa pagpapatupad sa United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, pagtatakda ng mga priyoridad na larangan sa repormang pang-estruktura ng G20, pagpaplano ng estratehiya hinggil sa paglaki ng pandaigdig na kalakalan, pagtatakda ng prinsipyong patnubay hinggil sa pandaigdig na puhunan, pagpapalalim ng reporma sa estruktura ng pandaigdig na pinansya, paglulunsad ng kooperasyon laban sa katiwalian sa loob ng G20, pagbalangkas ng plano ng aksyon hinggil sa pagsisimula ng negosyo, at pagpapasulong ng pagkakabisa ng Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima, sa lalong madaling panahon.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>