Mula ika-28 hanggang ika-29 ng Mayo, 2016, isinagawa sa Guangzhou ng Tsina ang mga aktibidad para i-promote ang turismo ng Sentosa, kilalang lugar na panturista ng Singapore.
Ayon sa ulat, nilagdaan ng Kawanihan ng Turismo ng Singapore at Ctrip.com International Ltd, pinakamalaking online travel agency ng Tsina, ang kasunduang pangkooperasyon para mas mabisang ipagkaloob ang serbisyong panturisa sa mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, tatanggapin ng mga shopping mall ng Sentosa ang Ali Pay ng Tsina.