Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isyu ng SCS, dapat resolbahin sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian—Pangkalahatang Kalihim ng UNP ng Sri Lanka

(GMT+08:00) 2016-06-01 11:36:15       CRI

Martes, Mayo 31, 2016, nakipagtagpo si Song Tao, Ministro ng International Liaison Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, kay Kabir Hashim, Pangkalahatang Kalihim ng United National Party ng Sri Lanka.

Ipinahayag ni Hashim na palagian, matatag, at malinaw ang paninindigan ng kanyang partido at pamahalaan sa isyu ng South China Sea. Aniya, ipinalalagay ng Sri Lanka na ang suliraning panrehiyon ay dapat ipasiya ng mga bansa sa loob ng rehiyon, at hindi dapat makialam dito ang puwersa sa labas ng rehiyon. Ang mga alitang may kinalaman sa teritoryo ay dapat lutasin ng mga may kinalamang panig, sa pamamagitan ng bilateral na tsanel. Dapat resolbahin ang alitan sa South China Sea, sa pamamagitan ng bilateral na pagsasanggunian ng Tsina at mga may kinalamang bansa.

Aniya, ang Tsina ay mahalagang puwersa ng pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito. Nananalig aniya ang kanyang bansa na magpapatingkad ang CPC at pamahalaan ng Tsina ng mas positibong papel para sa mapayapang pag-unlad ng rehiyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>