|
||||||||
|
||
File photo ng Taiping Island sa South China Sea, kinuha noong April 23, 2015 [Photo: Baidu.com]
Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-3 ng Hunyo 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na napapatunayan ng mga katotohanang pangkasaysayan na ang Taiping Island sa South China Sea ay isla, at hindi reef.
Ayon kay Hua, noong sinaunang panahon, matagal na naninirahan ang mga mangingisdang Tsino sa Taiping Island para sa mga aktibidad ng produksyon at pamumuhay. Ito aniya ay inilakip sa Geng Lu Bu (Manual of Sea Routes), isang materyal na historikal ng Tsina hinggil sa paglalayag sa dagat, at pati rin sa mga navigation log ng ilang bansang dayuhan, na ginawa bago ang 1930s.
Dagdag ni Hua, sa pamamagitan ng Taiping Island, kasama ng mga iba pang isla ng Nansha Islands, ang Tsina ay mayroong karapatan sa territorial sea, exclusive economic zone at continental shelf sa South China Sea. Aniya, ang pagtatangka ng Pilipinas sa South China Sea arbitration na ituring ang Taiping Island bilang reef, ay nagpapakitang ang tunay na layunin ng arbitrasyong ito ay para ipagkaila ang soberanya at mga karapatang pandagat ng Tsina sa Nansha Islands. Ani Hua, ito ay lumalabag sa pandaigdig na batas, at hindi katanggap-tanggap.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |