Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kaunlaran, magpapatuloy sa ilalim ng liderato ni Pang. Duterte

(GMT+08:00) 2016-06-06 17:42:10       CRI

NANINIWALA si Albay Governor Jose Sarte Salceda, na isa ring incoming congressman, na nakakamtan ng Pilipinas ang ibayong kaunlaran sa ekonomiya sa pagluklok sa puesto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na huling araw ng Hunyo.

Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga. Nakasama niya sa lupon ng mga panauhin sina Ako Bikol Party List Congressman Rodel Batocabe at dating Commission on Human Rights Commissioner Nasser A. Marahomsalic.

MAGANDA ANG TAKBO NG EKONOMIYA.  Maganda ang magiging lagay ng ekonomiya ng bansa sa pagluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na huling araw ng Hunyo, 2016.  Ito ang sinabi ni Albay Governor Jose Sarte Salceda (gitna) na isa ring incoming congressman sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina.  Dumalo rin si Ako Bikol Congressman Rodel Batocabe (kanan) at dating Commission on Human Rights Commissioner Atty. Nasser A. Marahomsalic (kaliwa) (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag ni G. Salceda na maganda ang kalagayan ekonomiya sa ilalim ng liderato ni Pangulong Aquino at magpapatuloy ito sapagkat maayos ang economic fundamentals. Hindi rin magiging problema ng maitatalagang economic managers sapagkat kaunting dagdag na lang sa paggasta sa mga pagawaing-bayan at higit na sisigla ang mga kanayunan. Madaragdagan ang gastos ng pamahalaan sa mga lansangan, tulay at iba pang kailangan upang higit na sumigla ang kalakal sa pagitan ng mga lalawigan, bayan at mga kinikilalang growth areas.

Halimbawa na lamang ang pagpapaganda ng Quirino Highway sa pagitan ng Quezon Province, Camarines Norte at Camarines Sur na siyang dinaraanan ng mga pasahero at mga kargamento patungong Kabisayaan at Mindanao.

Mas maganda kung mabubuhay ang sektor ng pagsasaka sapagkat karamihan ng mahihirap ang nasa kanayunan samantalang ang pinakamalalaki ang kita ay matatagpuan sa mga lungsod tulad ng Metro Manila.

Kung mapasisigla ang agricultural sector, higit na gaganda ang takbo ng ekonomiya at magkakaroon ng higit na inclusive growth.

Para kay Ako Bikol Congressman Batocabe, maganda ang pinagmumulan nina Pangulong Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Gerona Robredo sapagkat pawang mga taga Davao at Camarines Sur, mga lalawigan at hindi nagtataglay ng ibang agenda tulad ng nag-uugat sa Kamaynilaan.

Maganda na rin ang nagaganap sa House of Representatives sa pagkakaisa ng mga mambabatas na suportahan ang legislative agenda ng papasok na liderato ni Pangulong Duterte. Magugunitang mayroong 38.7% ng mga mambabatas ang mula sa Liberal Party samantalang mayroon lamang 1% ang mula sa PDP – Laban.

Sa pinakahuling tala, karamihan ng mga mambabatas mula sa Liberal Party ang nakipagka-isa sa PDP-Laban kaya't tiyak ang pagiging Speaker ni Davao Congressman Pantaleon Alvarez. Hindi lamang naman si G. Duterte ang nakapisil ng kanyang kandidato sa pagka-speaker, dagdag ni Congressman Batocabe. Nagkataon lang na hayagang sinabi ni incoming president Duterte ang kanyang napipisil na mamuno sa House of Representatives.

Sinabi naman ni Atty. Marahomsalic na higit na gaganda ang liderato ni Pangulong Duterte kung magkakaroon ng Pederalismo at ito'y pagkilala sa poder ng iba't ibang rehiyon. Naniniwala rin siyang higit na makakamtan ang kapayapaan kung magtatalaga ng mga Moslem at katutubo sa pagtatalaga sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan.

Idinagdag pa ni Atty. Marahomsalic na walang puwang sa kultura ng mga Filipino na magpataw ng parusang kamatayan sapagkat ang parusang ito ay ipinatupad noon pang Dark Ages.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>