|
||||||||
|
||
Sinimulan nitong Lunes, June 6, 2016 ng mga Muslim sa buong Tsina ang Ramadan, isa sa mga importanteng kapistahan ng mga Muslim. Tatagal ito hanggang ika-6 ng Hulyo, 2016.
Sa panahon ng bawal na buwan ng Islam, mag-aaguro, magninilay, at hindi kakain o iinom ang mga Muslim sa pagitan ng bukang-liwayway at takip-silim.
Mahigit 20 milyon ang populasyong Muslim ng Tsina. Ang Xinjiang Uygur Autonomous Region ay tahanan ng mahigit 13 milyong Muslim sa Tsina, at mga 24,000 mosque ang itinayo roon. Bukod sa Xinjiang, idinaraos din ang Ramadan sa iba pang autonomous regions, lalawigan, at lunsod na gaya ng Gansu, Ningxia, at Beijing.
Malawak na idinaraos sa Tsina ang Ramadan, at karamihan sa mga mananampalataya ay mga minorya ng Tsina na gaya ng Hui, Uygur, Kazakh, Uzbek, Tajik at Kyrgyz.
June 6, 2016---Ang mga Muslim na nananalagin sa unang araw ng Ramadan sa Yinchuan, kabisera ng Ningxia Hui Autonomous Region, Silangang kanlurang Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |