Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apat na Malaysian kidnap victims, pinalaya na

(GMT+08:00) 2016-06-08 19:14:19       CRI

PINALAYA na ng Abu Sayyaf ang apat na Malaysian nationals na sina Wong Teck Chii, Johnny Lau Jung Hien, Wong Teck Kang at Wong Hung Sing kaninang umaga.

Dinala ang mga biktima sa baybay-dagat ng Barangay Lagasan Higat sa Parang, Sulu at isinakay sa isang speedboat tungo sa Sandakan, Malaysia.

Ayon sa AFP Western Mindanao Command, sakay ang apat na biktima sa isang tugboat na may pangalang Massive 6 ng dukutin ng mga Abu Sayyaf na pinamumunuan ng sub-leader na si Madjan Sahidjuan alias Apuh Mike sa karagatan ng Sempornah, Sabah noong unang araw ng Abril.

Dumating umano ang mga dinukot sa Sandakan kaninang ika-anim ng umaga. Wala pang impormasyon kung nagbayad ng ransom ang grupo ng Malaysians.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>