BEIJING—Kinatagpo Lunes, ika-13 ng Hunyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Angela Merkel, dumadalaw na Chancellor ng Alemanya.
Malugod na tinanggap ni Xi si Merkel at nagpahayag ng pagbati sa tagumpay ng ika-4 round ng pagsasanggunian ng mga pamahalaan ng Tsina at Alemanya. Aniya, dapat ibayo pang palakasin ang estratehikong pagpapalitan ng dalawang bansa sa diplomasiya at seguridad, pabutihin ang paraan ng kooperasyon sa mga suliraning pandaigdig, at enkorahehin ang mga bahay-kalakal ng dalawang bansa na isagawa ang kooperasyon sa mga proyekto sa iba pang bansa.
Binigyan-diin ni Xi na ang Alemanya ay isang miyembro ng "troika" ng G20, at gumaganap ito ng mahalagang papel sa paghahanda ng G20 Summit sa Hangzhou, Tsina. Dapat magkasamang pasulungin ng Tsina at Alemanya ang G20 na lumikha ng bagong blueprint ng pag-unlad para mapabuti ang kabuhayan ng daigdig.
Ipinahayag ni Merkel ang pagsang-ayon kay Xi hinggil sa ibayo pang pagpapaunlad ng relasyon ng Alemanya at Tsina. Aniya, dapat magsikap ang dalawang bansa para mapalalim ang pagtitiwalaan, at maisakatuparan ang kooperasyon ng "Made In China 2025" blueprint at "Industrial 4.0" strategy ng Alemanya.
salin:wle