Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2016 Business 20 Summit, tampok ang anim na paksa

(GMT+08:00) 2016-06-17 14:52:42       CRI

Idinaos Huwebes, Hunyo 16, 2016 ang unang preskon hinggil sa Business 20 (B20) Summit na gaganapin mula ika-3 hanggang ika-4 ng Setyembre, sa Hangzhou, lunsod sa silangan ng Tsina.

Sinabi ni Yin Zonghua, Pangalawang Tagapangulo ng B20 2016 Host Committee at Bise Presidente ng China Council for the Promotion of International Trade, na humigit-kumulang 1,000 lider ng negosyo mula sa buong mundo ang inaasahang lalahok sa nasabing summit.

Isinalaysay rin niyang bilang mahalagang bahagi ng G20 Summit, ang anim na pangunahing paksa ng B20 ay may kinalaman sa tema ng G20 Summit ng Pagtatatag ng Pandaigdig na Kabuhayan na Inobatibo, Masigla, Interkonektado, at Inklusibo.

Aniya pa, ang anim na paksa ng B20 Summit ay pagpapasulong ng kaunlaran sa pamamagitan ng pinansya; kalakalan at pamumuhunan, imprastruktura, pag-unlad ng maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal (SMEs), hanap-buhay at paglaban sa katiwalian.

Idinagdag pa ni Yin na ang pangunahing tungkulin ng B20 Summit ay pagsumite ng mga mungkahi hinggil sa pandaigdig na kabuhayan at kalakalan sa G20 Summit bilang reperensya.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>