Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talastasan at pagsasanggunian, mahalaga para sa paglutas sa isyu ng South China Sea--mga ekspertong Tsino at dayuhan

(GMT+08:00) 2016-06-27 11:08:24       CRI
Sa pagtataguyod ng Leiden University Grotius Centre for International Legal Studies ng Netherlands at Wuhan University China Institute of Boundary and Ocean Studies ng Tsina, idinaos kahapon, Linggo, ika-26 ng Hunyo 2016, sa Hague, Netherlands, ang pandaigdig na symposium hinggil sa South China Sea arbitration. Lumahok dito ang mahigit 30 eksperto mula sa mga bansa, na gaya ng Netherlands, Tsina, at iba pa.

Sa kanyang talumpati sa symposium, sinabi ni Liu Huawen, eksperto mula sa Institute of International Law ng Chinese Academy of Social Sciences, na limitado ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at hindi nakalakip dito ang lahat ng mga isyung pandagat. Kaya aniya, pinaninindigan ng Tsina, na gamitin ang mga pandaigdig na batas, na kinabibilangan ng UNCLOS, para lutasin ang mga hidwaan sa dagat. Binigyang-diin ni Liu, na ang hidwaan sa South China Sea ay may kinalaman sa karapatang pangkasaysayan o historical rights. Ang terminong ito aniya ay isang konseptong pambatas na lumitaw bago marating ang UNCLOS, at kakaunti ang nilalaman ng UNCLOS hinggil dito. Dahil dito, ipinalalagay ni Liu, na hindi sapat ang paggamit lamang ng UNCLOS, para lutasin ang isyu ng South China Sea.

Sinabi naman sa symposium ni Tom Zwart, propesor ng School of Law ng Utrecht University ng Netherlands, na mula sa kanyang anggulo, ang South China Sea arbitration ay isang paraang pulitikal ng Amerika para pigilin ang pag-unlad ng Tsina. Ipinalalagay niyang mapanganib ang ganitong aksyon ng paggamit ng pandaigdig na batas, para makaabot sa pulitikal na target. Ito aniya ay masama sa pandaigdig na batas at relasyon ng mga may kinalamang bansa. Dagdag pa ni Zwart, ang pinakamagandang solusyon sa isyu ng South China Sea ay pagbalik ng iba't ibang panig sa talastasan at pagsasanggunian.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>