Sinabi kahapon, Hunyo 29, 2016, ni Basiliki Souladaki, Pangalawang Kalihim ng Departamento ng Relasyong Pandaigdig ng Pan-Hellenic Socialist Movement — isa sa mga pangunahing partido ng Greece, na sa isyu ng South China Sea, dapat ipagpatuloy ng mga may-kinalamang soberanong bansa ang kanilang pagsasanggunian, batay sa paggalang sa katotohanang historikal at pagtutupad ng pandaigdigang batas. Dapat din aniyang panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng nasabing karagatan.
Sa isang impormasyong ipinalabas kahapon, Hunyo 29, 2016, ng Sekretaryat ng Arbitral Tribunal sa kaso ng arbitrasyon ng SCS, sinabi nito na isasapubliko ng Arbitral Tribunal ang kahatulan sa kaso sa ika-12 ng susunod na buwan.
Salin: Li Feng