Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talastasan at pagsasanggunian, pinakamagandang paraan para lutasin ang isyu ng South China Sea--iskolar

(GMT+08:00) 2016-07-01 15:17:14       CRI
Ipinahayag kamakailan ni Oh Ei Sun, nakatataas na mananaliksik sa S. Rajaratnam School of International Studies ng Nanyang Technological University ng Singapore, na ang talastasan at pagsasanggunian ay nananatiling pinakamagandang paraan para lutasin ang isyu ng South China Sea. Aniya pa, malulugod ang mga bansang ASEAN, kung panunumbalikin ng Tsina at Pilipinas ang talastasan hinggil sa isyung ito.

Dagdag ni Oh Ein Sun, mahalaga ang pagpapanumbalik ng direktang talastasan ng Tsina at Pilipinas. Dahil ito aniya ay makakabuti sa pagpapahupa ng tensyon sa South China Sea, at mapapalakas din ang hangarin ng iba pang may kinalamang panig sa isyu ng South China Sea sa pakikipagtalastasan sa Tsina.

Ipinalalagay din ni Oh Ein Sun, na umiiral pa rin sa rehiyon ng South China Sea ang mga hamon sa di-tradisyonal na seguridad, na gaya ng pamimirata, terorismo, at iba pa. Bilang tugon sa mga ito, dapat aniyang isagawa ng iba't ibang panig ang kooperasyon sa mga aspekto ng magkakasanib na pagpapatrolya, pagbabahagi ng impormasyon, at iba pa, para matamo ang komong kapakinabangan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>