Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karapatang pangkasaysayan ng Tsina sa SCS, protektado ng mga batas na pandaigdig

(GMT+08:00) 2016-07-07 09:59:42       CRI

Sinabi ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang karapatang pangkasaysayan ng Tsina sa South China Sea ay protektado ng mga batas na pandaigdig.

Winika ito ni Hong sa regular na preskon, Miyerkules, Hulyo 6, 2016, bilang tugon sa subject-matter na iniharap ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas sa arbitral tribunal hinggil sa isyu ng South China Sea. Ayon sa nasabing paninindigan ng Pilipinas, ang mga karapatang pangkasaysasyan ng Tsina ay hindi tumatalima sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ipinaliwanag ni Hong na ang mga karapatang pangkasaysayan ay konsepto ng general international law, at walang kontradiksyon sa pagitan ng nasabing mga karapatang Tsino at UNCLOS. Pero, aniya, hindi saklaw ng UNCLOS ang lahat ng mga tadhana hinggil sa batas na pandagat, at nakasaad dito, na para roon sa mga artikulong hindi kalakip sa UNCLOS, dapat sundin ang general international law. Ipinagdiinan din ni Hong na hindi ini-exclude ng UNCLOS ang mga karapatang pangkasaysayan ng mga bansa na itinakda bago ito inilabas. Idinagdag pa niyang sa katotohanan, ang paulit-ulit na itinatadhang "historical bays" at "historical titles" sa UNCLOS ay nagpapakita ng paggalang nito sa mga karapatang pambatas ng mga signatoryong bansa.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>