Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang Filipinong nadamay sa kaguluhan sa Bangladesh

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:29:59       CRI

KINONDENA ng Pilipinas ang naganap na panggigipit (hostage-taking) sa Bangladesh noong nakalipas na Biyernes, unang araw ng Hulyo.

Sa isang pahayag mula sa Department of Foreign Affairs, kinondena ng pamahalaan ang malubhang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at bansa. Nakikiisa ang Pilipinas sa pamahalaan at mga mamamayan ng Bangladesh at nagpapaabot ng pakikiramay.

Wala namang nabalitang Filipino na apektado ng insidente. Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Dhaka, naglabas na rin sila ng payo sa mga kasapi ng Filipino community na maging maingat sa lahat ng oras.

Inulit ng Department of Foreign Affairs na nakataas pa ang Alert Level 1 (Precautionary Phase) sa Bangladesh na inilabas noong Oktubre ng 2015.

Handang tumulong ang embahada sa Dhaka sa mga Filipino na mangangailangan ng tulong dulot ng insidente. Maaari silang tumawag sa Philippine Embassy sa telephone numbers +880 191 5477731.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>