Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga magdaragat, pinag-iingat sa sama ng panahon

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:31:16       CRI

PINAYUHAN ng mga dalubhasa mula sa PAGASA ang mga mangingisda na huwag munang mamamalakaya samantalang sinabihan ang mga nasa malalaking barko na maging maingat sa malalaking alon sapagkat papalayo pa lamang sa Pilipinas ang isang malakas na bagyo.

Ang mabilis kumilos na bagyong si Nepartak na kilala sa Pilipinas sa pangalang Butchoy ay hindi naman tatama sa lupa subalit magpapalakas ng panahong habagat na magiging dahilan ng mga dagliang pagsama ng panahon at biglaang pagbaha sa Luzon. Ito ang sinabi ni Aldzar Aurelio ng PAGASA.

Ilang domestic flights ang nakansela sa rehiyon.

Nakita ang sama ng panahon sa layong 235 kilometro sa hilagang silangan ng Batas na may taglay na hanging aabot sa 220 kilometro bawat oras at pagbugsong umaabot sa 255 kilometro bawat oras.

Nakataas ang storm alerts sa Batanes, may 700 kilometro sa hilaga ng Maynila at mga kalapit na pulo nito sa dulo ng Luzon.

Ang pangalang Nepartak ay isang kataga mula sa Micronesia na nangangahulugan na mandirigma. Maaari umanong lumakas pa ang bagyo sa paglayo nito sa Pilipinas at paglapit naman sa Taiwan.

Karaniwan na sa Pilipinas ang pagkakaroon ng 18 hanggang 21 bagyo sa bawat taon. Magugunitang noong Nobyembre ng taong 2013, tumama ang bagyong Haiyan sa kalagitnaan ng Pilipinas na ikinasawi ng higit sa 7,000 katao at ikinawala ng mga tahanan ng may limang milyong katao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>