Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mangangalakal, pinalaya ng Abu Sayyaf

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:32:32       CRI

MATAPOS ang halos isang taong pagiging bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya na rin si Araji Maani mag-aalas onse kahapon ng umaga sa isang barangay sa Parang, Sulu.

Dinukot si Maani noong ika-27 ng Hulyo sa Zamboanga City. Kinausap muna siya ng mga tauhan ng Joint Task Force "SULU" bago inihatid sa kanyang pamilya.

Nakasagupa rin ng mga kawal kahapon ng uimaga ang may 20 kasapi ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu. Sila ang pinaniniwalaang may kagagawan ng pagpaslang sa mga kawal na walang dalang sandata sa iba't ibang bahagi ng Sulu. Tumagal ng limang minuto ang sagupaan. Natagpuan ng mga kawal ang isang bangkay ng isang kasapi ng Abu Sayyaf.

Mayroon pang siyam na banyaga at tatlong Filipino ang nasa kamay ng mga bandido.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>