Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangako ni Pangulong Duterte, ikinatuwa; maraming nararapat gawin

(GMT+08:00) 2016-07-07 18:30:36       CRI

ISANG magandang pangitain ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakalipas na Huwebes, sa kanyang panunumpa bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay dating Commission on Human Rights Chairperson Professor Loretta Ann P. Rosales, napakagandang marinig kay Pangulong Duterte na igagalang ang lahat ng nilagdaan at ipinasa ng senadong mga kasunduan.

Sa inilunsad na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni Bb. Rosales na walo sa siyam na pandaigdigang kasunduan hinggil sa Karapatang Pangtao ang ipinasa ng Pilipinas.

Pumapalakpak umano siya samantalang nanonood ng talumpati ni Pangulong Duterte noong nakalipas na linggo.

MAY 17 MILYONG PAMILYANG FILIPINO ANG MAHIHIRAP.  Sinabi ni Albay Congressman Jose Sarte Salceda (gitna) sa inilunsad na "Wednesday Roundtable @ Lido" na malayo ang agwat ng mayayaman at mahihirap sa Pilipinas.  May 700,000 pamilya lamang ang maituturing na mayayaman sa Pilipinas.  Isang malaking hamon ito sa administrasyong Duterte na makapagpasa ng mga kailangang batas at magpatupad ng mga programang magbibigay-buhay sa sektor ng pagsasaka.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Albay Congressman Jose Sarte Salceda, sinabi niyang isang malaking hamon para sa pamahalaan ang mapaglapit ang agwat ng mga mumunting bilang ng mayayaman sa napakalaking bilang ng mahihirap na mamamayan sa bansa.

Sinabi ni Congressman Salceda na umaabot sa 17 milyong pamilyang Filipino ang mahihirap samantalang wala pa halos 700,000 pamilya ang maituturing na naka-aangat.

Malaki ang potensyal ng sektor ng pagsasaka sa Pilipinas, dagdag pa ni Congressman Salceda sapagkat makapagbibigay ito ng sigla at hanapbuhay sa kanayunan.

Nabanggit din ang pagkakautang na Pilipinas na umaabot sa US$ 6 trilyon ang nagastos para sa Metro Manila at nalimutan na ang mga lalawigan.

Para kay Party List Congressman Harry Roque, malaking bahagi ng pagkakautang ng bansa ang dahil sa mga Marcos na naghari sa bansa mula 1965 hanggang 1986. Inihalimbawa niya ang pagbabayad ng Aquino Government sa hindi napakinabangang Bataan Nuclear Power Plant na itinayo ng Westinghouse sa halagang higit sa US$ 2 bilyon.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers na maganda ang kanilang inaasahan sa Duterte Administration sapagkat ipinangako na noon pa mang kampanya na wawakasan na ang mga de-kontratang trabaho.

Inihalimbawa niya ang ginagawang sistema ng mga malalaking kumpanya na tiglilimang-buwan lamang ang mga kontrata ng manggagawa. Ang kawalan ng social security ang dahilan ng kanilang kahirapan.

Sumang-ayon naman si Congressman Salceda na ang kalakarang ito ang siyang nagpapahirap sa mga Filipino.

Sa larangan ng kalusugan, sinabi nina Bb. Rosales at Congressman Roque na magandang suriin ang papel na ginagampanan ng health insurance sa ilalim ng PhilHealth.

Kung noong mga nakalipas na panahon ay nakitang magandang halimbawa ang karanasan sa Thailand na sumisingil lamang ng 40 Baht at makahihingi na ng medical assistance sa alinmang ospital sa bansa.

Binanggit naman ni Congressman Salceda na mas makabubuting suriin ang programa sa kalusugan ng Cuba sapagkat nabalitang may mga taga-Estados Unidos na nagtutungo pa sa Cuba upang magpagamot. Hamak na mura ang medical services at gamot.

Ang pinakasusi, dagdag pa ni Congressman Salceda ay ang presyo ng gamot na kailangan ng mga mamamayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>