Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng NPC at Mataas na Kapulungang Kambodyano, nag-usap

(GMT+08:00) 2016-07-07 09:47:14       CRI

Sa pakikipag-usap nitong Miyerkules, Hulyo 6, 2016, sa Beijing sa kanyang Cambodian counterpart na si Say Chhum, ipinahayag ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC), Punong Lehislatura ng Tsina na nananatiling matibay ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Kambodya. Aniya, noong Hunyo ng kasalukuyang taon, narating nina Pangulong Xi Jinping at Haring Norodom Sihamoni ang pagkakasundo hinggil sa ibayong pagpapatibay ng mapagkaibigang relasyong Sino-Kambodyano, at pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, ang pahayag sa pagbibigay-suporta sa kani-kanilang nukleong interes ay nagpapakita ng mataas na estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang lalawak pa ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Kambodya sa ibat-ibang larangan para ibayong palakasin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Zhang ang mithiin sa pagpapahigpit ng karanasan sa lehislatura ng dalawang bansa sa pangangasiwa sa estado, pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan, at pagpapasulong ng koordinasyon sa multilateral na organisasyong pamparliamento ng daigdig. Ito aniya'y para ibayong patibayin ang relasyong Sino-Kambodyano.

Ipinahayag naman ni Say Chhum, na positibo ang Kambodya sa tradisyonal na mapagkaibigang pakikipagtulungan sa Tsina, at sa mahalagang papel ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig. Umaasa aniya siyang hihigpit pa ang pagpapalitan ng dalawang lehislatura para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>