Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, pinapahigpit

(GMT+08:00) 2016-07-07 11:38:15       CRI

Ipinahayag sa Beijing, nitong Miyerkules, Hulyo 6, 2016 ni Yang Xiuping, Puno ng ASEAN-China Center(ACC) ang pag-asang sasamantalahin ng Tsina at Association of South East Asian Nations (ASEAN) ang panlahat na pagkakataon ng pag-unlad, at palalawakin ang komong interes para maisakatuparan ang kanilang mas mahigpit na komunidad na pangkooperasyon.

Sinabi ni Yang na nitong 25 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, ito ay nagsisilbing pinakamahigpit at pinakamabungang rehiyonal na ugnayang pandiyalogo sa daigdig. Aniya, kapuwa isinasabalikat ng Tsina at ASEAN ang tungkulin sa pagpapasulong ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, ang pagsasagawa ng pagtutulungan ay nagsisilbing pangunahing tunguhin sa bilateral na relasyon ng Tsina at ASEAN. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng Tsina at ASEAN ang pagkakataon ng "Belt at Road Initiative" para sa ibayong pag-uugnay ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang panig; pagpapabilis ng pag-u-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) para sa mas mataas na kalidad at episyensya ng pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan; pagpapasulong ng kooperasyong pinansyal, magkasamang pag-unlad ng Lancang-Mekong River Subregion, at pagpapalitang kultural ng mga mamamayan para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng dalawang panig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>