Idinaos kagabi, Lunes, ika-11 ng Hulyo 2016, sa Jakarta, Indonesya, ang resepsyon bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa resepsyon, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Le Luong Minh ng ASEAN, na ipinapatupad ngayon ng ASEAN at Tsina ang Plan of Action to Implement the Joint Declaration of the ASEAN-China Strategic Partnership for Peace and Prosperity. Ito aniya ay para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig mula 2016 hanggang 2020.
Dagdag pa ni Le, para sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig, nakahanda ang ASEAN, na pahigpitin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina, at pasulungin ang relasyon sa bagong antas.
Salin: Liu Kai