Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

UN at ICJ , walang kinalaman sa PCA o arbitrasyon sa SCS

(GMT+08:00) 2016-07-15 11:28:03       CRI

Ipinalabas Miyerkules, Hulyo 13, 2016, ng United Nations (UN) ang pahayag na nagsasabing walang anumang kaugnayan ang Permanent Court of Arbitration (PCA) sa United Nations. Sa isa pang pahayag na ipinalabas ng International Court of Justice (ICJ), sinabi nito na bilang isa pang di-tulad ng organo kumpara sa PCA, hindi ito nakilahok sa umano'y kaso ng arbitrasyon sa isyu ng South China Sea mula simula hanggang katapusan.

Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Hulyo 14, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batid ng panig Tsino ang mga inilabas na pahayag ng UN at ICJ. Ito aniya ay muling nagpapakitang ganap na null at void ang umano'y hatol sa arbitrasyon na inilabas ng Arbitral Tribunal.

Sinabi ni Lu, na sa kasalukuyan, bukas na inihayag ng UN at ICJ na walang kaugnayan ang nasabing arbitrasyon sa kanila. Umaasa siyang hindi uulitin ng mga media na tulad ng WSJ at AFP ang pagbanggit ng Arbitral Tribunal bilang "UN court of arbitration" o "UN-backed arbitral tribunal."

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>