|
||||||||
|
||
Xigaze, Tibet, kanluran ng Tsina—Sinimulan Huwebes, Hulyo 21, 2016, ang unang tantric Kalachakra instruction na ibinigay ni ika-11 Panchen Lama Bainqen Erdini Qoigyijabu.
Ang rituwal ng Kalachakra na nangangahulugang gulong ng oras ay binubuo ng serye ng katuruan at pagtanggap ng bagong mananampalataya na ibinibigay ng mga guro para tulungan ang mga Budista sa "cycle of life."
Ito ang kauna-unahang Kalachakra na idinaos sa Tibet nitong 50 taong nakalipas. Tatagal ito nang apat na araw.
Sa kabila ng pag-ulan kinagabihan at paulit-ulit na ambon, nagsipunta ang mga tao sa pinagdarausan ng rituwal upang mapakinggan ang turong pampubliko.
Sa kanyang talumpating pambungad, inilarawan ni ika-11 Panchen Lama ang ulan bilang masuwerteng sagisag. Binanggit din niyang umuulan din habang idinaraos ang rituwal ni ika-10 Panchen Lama at ipinaliwanag ng yumaong Panchen na ang ulan ay nagpakita ng paglilinis. Ipinaalaala rin ni ika-11 Panchen sa mga matatanda na manatiling mainit at nasa kondisyon sa gitna ng ulan.
Si 11th Panchen Lama Bainqen Erdini Qoigyijabu habang nagbibigay ng sermon sa Kalachakra ritual sa Xigaze, Tibet Autonomous Region, sa dakong kanluran ng Tsina, July 21, 2016. (Xinhua/Purbu Zhaxi)
Ang mga deboto habang nakikinig sa sermon na ibinibigay ni 11th Panchen Lama sa Kalachakra ritual sa Xigaze, Tibet Autonomous Region, sa dakong kanluran ng Tsina, July 21, 2016. (Xinhua/Purbu Zhaxi)
Ang mga monghe habang nagdarasal sa Kalachakra ritual sa Xigaze, Tibet Autonomous Region, sa dakong kanluran ng Tsina, July 21, 2016. (Xinhua/Purbu Zhaxi)
Isang batang monghe sa Kalachakra ritual sa Xigaze, Tibet Autonomous Region, sa dakong kanluran ng Tsina, July 21, 2016. (Xinhua/Purbu Zhaxi)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |