Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-49 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, idinaos

(GMT+08:00) 2016-07-24 15:30:13       CRI

Binuksan ngayong araw, Linggo, ika-24 ng Hulyo 2016, sa Vientiane, Laos, ang Ika-49 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na kinakaharap ngayon ng rehiyon at daigdig ang mga hamon mula sa tradisyonal at di-tradisyonal na seguridad. Dapat aniyang palakasin ang namumunong papel ng ASEAN sa rehiyon, para patingkarin nito ang mas mahalagang papel sa kooperasyong panrehiyon at pandaigdig.

Umaasa rin si Sisoulith, na isasagawa sa pulong na ito ang matapat at konstruktibong talakayan, para makapag-ambag sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Tatagal ng isang araw ang kasalukuyang pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN. Bukas at samakalawa, idaraos din ang mga pulong na gaya ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN at Tsina, Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>