INIHALAL sa pamamagitan ng 251 boto ng mga mambabatas si Davao del Norte Congressman Pantaleon "Bebot" Alvarez kaninang umaga matapos buksan ang ika-17 sesyon ng House of Representatives.
Unang ninais ni dating Speaker Feliciano Belmonte, vice chairman ng Liberal Party na tumakbong muli subalit umatras na rin matapos lumipat ng partido ang karamihan ng mga mambabatas sa partido ni Pangulong Duterte na partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan.
Umatras din si Speaker Belmonte sa pagiging minority leader matapos magdesisyon ang Liberal Party na sasama na lamang sa koalisyon.
Isang mumunting grupo ng mga kasapi ng Liberal Party ang tumangging lumahok sa mayorya at nagnais maging kabilang sa independent bloc sa Kongreso sa pamumuno ni Ifugao Congressman Teddy Baguilat na tumakbong speaker subalit natalo.
Tumanggap si Baguilat ng walong boto samantalang si Quezon Congressman Danilo Suarez ay nakatanggap ng pitong boto. Si Baguilat ang nagparating ng resolusyon na humihiling ng imbestigasyon sa serye ng mga pagpatay sa pagpaslang sa mga pinaghihinalaang mga kriminal sa pagsisimula ng pakikidigma ni G. Duterte sa droga.