Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi: DOC at "dual-track" approach, igiit para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea

(GMT+08:00) 2016-07-26 15:27:15       CRI

Sa preskon pagkatapos ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na idinaos kahapon, Lunes, ika-25 ng Hulyo 2016, sa Vientiane, Laos, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang nukleong nilalaman ng magkasanib na pahayag hinggil sa komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na ipinalabas sa naturang pulong ay mapayapang paglutas ng mga direktang may-kinalalamang panig sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, at magkakasamang pangangalaga ng Tsina at mga bansang ASEAN sa katatagan ng South China Sea. Ito aniya ay kapareho sa "dual-track" approach na iniharap ng ASEAN at sinusuportahan ng Tsina.

Ayon kay Wang, pawang ipinalalagay ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN, na ang hidwaan sa South China Sea ay hindi isyu sa pagitan ng Tsina at ASEAN, hindi ito kumakatawan sa relasyong Sino-ASEAN, at hindi ito dapat makaapekto sa relasyong ito.

Positibo si Wang sa posisyon ng ASEAN, na walang paninindigan sa arbitrasyong iniharap ng dating pamahalaan ng Pilipinas, hindi pagbibigay ng komento sa resulta ng arbitrasyon, at hindi pagpanig sa isyung ito.

Sinabi rin ni Wang, na para bumalik sa tumpak na landas ang isyu ng South China Sea, iminungkahi ng Tsina ang pagpapalabas ng naturang magkasanib na pahayag, at ito ay kinakatigan naman ng lahat ng sampung bansang ASEAN. Dagdag niya, ang DOC ay tuntuning panrehiyon na magkakasamang narating at sinusundan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at ang paggigiit sa deklarasyong ito at "dual-track" approach ay pragmatiko at mabisang paraan para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea at lutasin ang hidwaan sa karagatang ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>