Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

EDCA, hindi labag sa Saligang Batas

(GMT+08:00) 2016-07-26 18:13:42       CRI

NAGDESISYON na ang Korte Suprema at nagsabing walang nilalabag na probisyon sa Saligang Batas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ilang taon na ang nakalilipas.

Tumanggi ang Korte Suprema sa botong 9-4 at tinanggihan ang motions for reconsideration na ipinarating nina dating Senador Rene Saguisag at Wigberto Tanada at ang militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan kasama na ang ilang party-list groups. Kasama sina Senador Saguisag at Tanada sa 12 mga senador na bumoto upang mapatalsik ang mga base militar ng America sa Pilipinas noong 1991.

Wala umanong bagong argumento ang mga nagpetisyon upang mabaliktad ang desisyon noong nakalipas na ika-12 ng Enero.

Ayon kay Information Chief Atty. Theodore Te na walang bagong argumento ang mga nagpetisyon upang panindigan ang pagkakamali sa panig ng Korte Suprema. Pawang inulit lamang ng mga nagpetisyon ang mga argumento.

Noong nakalipas na Enero, lumabas ang desisyon na 10-4-1 na nagsabing ang EDCA ay isang executive agreement na pinahihintulutan ng Saligang Batas ang pangulo na makipagkasundo. Maliwanag nito sa Article 18, Section 25 ng 1987 Constitution.

Sinabi ng BAYAN sa kanilang 82-pahinang motion for reconsideration na ang mga mamamayan sa pamamagitan ng Senado ay nararapat maging kinatawan ng mga mamamayan sa talakayan sa pagpasok ng banyagang mga kawal sa bansa.

Ayon sa dalawang senador, nahihirapan silang tanggapin ang naunang desisyon lalo pa't nakasalalay ang kinabukasan ng kanilang mga apo na hindi nararapat desisyunan ng pangulo at kalihim ng tanggulang pambansa lamang. Ang pamahalaan ay binubuo ng nakararami at hindi ng dalawa katao lamang.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>