Ayon sa China News Service, ipinahayag kamakailan sa Jakarta ni Rini Soemarno, State-Owned Enterprises Minister ng Indonesia, na isinabalikat ng High-speed Rail Corporation ng Tsina sa Indonesia ang Jakarta-Bandung High-speed Rail Project kung saan ginamit ang pinakasulong na siyensiya't teknolohiya ng Tsina. Samantala, inilipat ng Tsina ang may-kinalamang teknolohiya, sa gayo'y may pag-asang magiging High-speed Rail Producer ang Indonesia sa Timog Silangang Asya.
Sinabi ni Rini Soemarno na malawak ang teritoryo at malaki ang populasyon ng Indonesia. Dapat aniyang paunlarin ang mas mabuting maginhawang komunikasyong pangmadla at logistics system para mapasulong ang mas mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Ang konstruksyon ng high-speed rail ay isa sa mga mahalagang pagpili para rito, dagdag niya.
Salin: Li Feng