![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Si Ruan Zongze, Pangalawang Puno ng China Institute of International Studies
Idinaos nitong Martes, ika-26 ng Hulyo 2016, sa Beijing ang talakayan hinggil sa South China Sea arbitration, na nilahukan ng mga eksperto sa pandaigdig na batas.
Sa kanyang talumpati sa talakayan, inanalisa ni Ruan Zongze, Pangalawang Puno ng China Institute of International Studies, ang panibagong kalagayan sa isyu ng South China Sea, pagkaraang ilabas ang desisyon ng South China Sea arbitration.
Sinabi ni Ruan, na noong ika-25 ng buwang ito, ipinalabas ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga bansang ASEAN ang magkasanib na pahayag hinggil sa komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), kung saan buong linaw na inilakip ang nilalamang dapat lutasin ang hidwaan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan. Ani Ruan, ang pahayag na ito ay positibong signal na ibinigay ng Tsina at mga bansang ASEAN hinggil sa magkakasamang pangangalaga sa katatagan ng South China Sea, at negatibo rin ito sa South China Sea arbitration, bilang paraan mula sa ikatlong panig.
Sinabi rin ni Ruan, na sa kasalukuyan, nagtitimpi ang Tsina at mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, sa pagpapahayag ng posisyon sa South China Sea arbitration. Pero aniya, taliwas dito, patuloy na pinukaw ng mga bansang walang kinalaman sa isyung ito, na gaya ng Amerika, Hapon, at Australya, ang hinggil sa arbitrasyon. Ayon kay Ruan, ipinakikita nito ang tangka ng naturang mga bansa na guluhin ang rehiyong ito sa pamamagitan ng isyu ng South China Sea, at dapat pag-ingatan ng iba't ibang bansa ang ganitong intesyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |