Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga hukbong pandagat ng Tsina at Rusya, isasagawa ang pagsasanay militar sa South China Sea

(GMT+08:00) 2016-07-28 18:39:02       CRI
Ipinatalastas ngayong araw, Huwebes, ika-28 ng Hulyo 2016, sa Beijing, ni Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa darating na Setyembre ng taong ito, isasagawa ng mga hukbong pandagat ng Tsina at Rusya ang magkasanib na pagsasanay militar sa karagatan at himpapawid ng South China Sea.

Sinabi ni Yang, na ito ay kauna-unahang pagsasanay militar ng Tsina at Rusya sa South China Sea. Dagdag niya, ito ay isang regular na aktibidad ng dalawang panig, na naglalayong pasulungin ang relasyong Sino-Ruso, palalimin ang kooperasyon ng mga tropa ng dalawang bansa, at palakasin ang kanilang kakayahan sa magkasamang pagharap sa mga hamon sa seguridad sa karagatan. Binigyang-diin din ni Yang, na hindi ito nakatuon sa anumang ikatlong panig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>