Idinaos kahapon, Huwebes, ika-28 ng Hulyo 2016, sa Nha Trang, Biyetnam, ang ika-6 na pulong ng Tsina at Biyetnam hinggil sa kooperasyon sa paglaban sa droga.
Binigyan ng positibong pagtasa ng mga kalahok na opisyal mula sa mga ministri ng seguridad na pampubliko ng Tsina at Biyetnam, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa droga, at mga natamong bunga ng kooperasyong ito. Anila, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay nagbigay ng ambag sa usapin ng paglaban sa droga sa rehiyong ito at buong daigdig.
Sa panahon ng pulong, sinimulan din ng Tsina at Biyetnam ang ika-3 magkasanib na aksyon ng paglaban sa droga sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai