Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Women's Journey," itinaguyod ng Thailand

(GMT+08:00) 2016-07-29 11:11:16       CRI

Ayon sa China News Service, upang ipagdiwang ang ika-84 na taong pagkasilang ni Queen Sirikit at mahikayat ang mas maraming babaeng turista sa Thailand, idineklara kamakailan ng Tourism Authority of Thailand (TAT) na sa susunod na Agosto, itataguyod ng TAT ang aktibidad na "Women's Journey Thailand" para imbitahin ang mga babaeng turista na maglakbay sa bansang ito.

Ayon sa TAT, parami nang paraming turistang babae ang nagpupunta sa Thailand, at umaasa silang magkakaroon ng mga proyektong panturista na angkop sa pangangailangan ng mga kababaihan. Dagdag ng TAT, kaya ng Thailand na magkaloob ng espesyal at pinakamabuting karanasang panturista para sa mga babae sa buong daigdig. Sa panahon ng naturang aktibidad, ilulunsad ng Thailand ang limang (5) ideya ng promosyong kinabibilangan ng Beautiful Look, Beautiful Shape, Beautiful Mind, Beautiful Retreat, at Beautiful Experience.

Sa panahong iyon, isasagawa rin ng anim (6) na paliparan at mga otel ng Thailand ang isang serye ng aktibidad para mabigyang-ginahawa ang mga babaeng turista sa bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>