Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Performance ng mga atleta mula sa Timog Silangang Asyano sa Rio Olympics, mabuti

(GMT+08:00) 2016-08-08 15:45:27       CRI

Sapul nang buksan ang Rio 2016 Summer Olympics nitong Biyernes, Agosto 5, 2016, naging mabuti ang performance ng mga atleta mula sa mga bansang Timog Silangang Asyano. Hanggang sa kasalukuyan, dalawang gintong medalya, dalawang medalyang pilak, at isang medalyang tanso ang napasakamay ng naturang mga atleta.

Nitong Sabado, Hulyo 6, sa Men's Shooting 10m Air Rifle finals, nakuha ng beteranong atletang Biyetnames na si Hoang Xuan Vinh, ang medalyang ginto. Ito ang kauna-unahang nakuhang medalyang gintong ng Biyetnam sa kasaysayan.

Nang araw ring iyon, ang isa pang medalyang ginto mula Women's 48kg Weightlifting event, ang napasakamay ng atletang Thai na si Tanasan. Ito ang unang medalyang gintong natamo ng Thailand sa kasalukuyang Olimpiyada. Ang medalyang pilak ng naturang event ay nakuha ni Sri Wahyuni Agustiani, atletang Indones.

Nitong araw ng Linggo, nasungkit ni Hidilyn Diaz, atletang Pilipino, ang medalyang pilak sa Weightlifting Women's 53kg. Ito ang unang medalya ng delegasyong Pilipino sa kasalukuyang Olympiyada.

Bukod dito, sa Men's Weightlifting 56kg event na ginanap nitong araw ng Linggo, nakuha ni Sinphet Kruaithong, atletang Thai, ang medalyang tanso.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>