|
||||||||
|
||
Idinaos kamakalawa, Linggo, ika-7 ng Agosto 2016, sa Vientiane, Laos, ang ika-13 ASEAN Leadership Forum, na may temang "ASEAN Partnership: Growing Together for Shared Prosperity."
Kalahok sa porum na ito ang mahigit 300 personahe na kinabibilangan ng pangkalahatang kalihim ng ASEAN, mga opisyal mula sa iba't ibang kasaping bansa ng organisasyong ito, at mga kinatawan mula sa mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig, sirkulo ng bahay-kalakal, at media.
Tinalakay nila ang hinggil sa pagsasakatuparan ng ASEAN Community Viion 2025, pagpapasigla ng paglahok ng pribadong sektor sa integrasyon ng ASEAN, pagharap sa mga hamon sa rehiyong ito, pagpapalakas ng papel ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at iba pa.
Ang ASEAN Leadership Forum ay plataporma para talakayin ng mga pamahalaan, sektor ng negosyo, akademiya, at civil society ng mga bansang ASEAN, ang hinggil sa mga hamon, tunguhin ng pag-unlad, mga mahalagang isyu, at pagkakataon ng organisasyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |