Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi: Tsina at India, kumakatig sa isa't isa hinggil sa G20 Summit at BRICS Summit

(GMT+08:00) 2016-08-14 13:55:05       CRI
Kaugnay ng kanyang katatapos na pagdalaw sa India, sinabi nitong Sabado, Agosto 13, 2016, sa New Delhi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na layon ng kanyang pagdalaw ang pagsasagawa ng estratehiyang pakikipag-ugnayan sa India hinggil sa idaraos na G20 Summit sa Tsina at idaraos na BRICS Summit sa India.

Nang araw ring iyon, magkahiwalay na kinatagpo ni Wang sina Punong Ministro Narendra Modi, Ministrong Panlabas Sushma Swaraj, at National Security Advisor Ajit Doval ng bansang ito.

Ipinahayag ni Wang na narating ng dalawang bansa ang mahalagang nagkakaisang posisyon, na kumakatig sa isa't isa para matagumpay na idaos ang nasabing dalawang summit. Ito aniya ay para palalimin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga umuunlad na bansa at pataasin ang katayuan at papel ng mga bagong sibol na ekonomiya sa kabuhayang pandaigdig.

Kaugnay ng relasyong Sino-Indiano, sinabi ni Wang na sapul nang manungkulan si Modi bilang PM ng India, natamo ng relasyon ng dalawang bansa ang malaking progreso sa iba't ibang larangan.

Sinabi pa ni Wang na mas malaki ang komong kapakanan ng dalawang bansa kaysa sa kanilang mga hidwaan. Naniniwala aniya siyang hahanapin ng dalawang bansa ang mga maayos na paraan sa paglutas ng mga hidwaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>