Nang kapanayamin kamakailan ng China Radio International, lubos na hinahangaan ni Haroon Rasheed, kilalang komentator ng Pakistan, ang pag-aanyaya ng Tsina sa maraming umuunlad na bansa na lumahok sa G20 Hangzhou Summit bilang bansang panauhin. Aniya, sa pamamagitan ng paglahok ng mga umuunlad na bansa, puspusang pasusulungin ng naturang summit ang pag-unlad at pagtutulungan ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinalalagay din ni Rasheed, na sa G20 Hangzhou Summit, may pag-asang ipapalabas ng mga lider mula sa mga kasaping bansa ng G20, bansang panauhin, at organisayong pandaigdig, ang mga proaktibong hakbangin sa pandaigdig na kabuhayan, lipunan, at iba pang larangan. Ito rin aniya ay makakatulong sa pagkakaroon ng mga komong palagay, at pag-aalis ng mga pagkakaiba.
Salin: Liu Kai