Isinalaysay kahapon, Biyernes, ika-26 ng Agosto 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagsisikap ng panig Tsino, itatampok sa gagawing G20 Hangzhou Summit ang isyu ng pag-unlad sa loob ng pandaigdig na balangkas ng macro-policy. Ito aniya ay kauna-unahang pagbibigay-priyoridad ng G20 Summit sa isyung ito.
Sinabi rin ni Lu, na ang paksang "inklusibo at pinag-uugnayang pag-unlad" ng Hangzhou Summit ay nakatuon sa isyu ng pag-unlad. Dagdag niya, pasusulungin ng Tsina ang pagtatakda sa summit ng isang plano ng aksyon hinggil sa pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development. Ani Lu, ilalagay sa planong ito ang sariling mga aksyon ng mga kasaping bansa ng G20 hinggil sa pagpapatupad ng naturang agenda, at kani-kanilang tulong na ipagkakaloob sa mga umuunlad na bansa sa aspektong ito.
Salin: Liu Kai