Kaugnay ng gagawing G20 Hangzhou Summit, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-26 ng Agosto 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bibigyang-priyoridad ng summit na ito ang paksang "masiglang pandaigdig na kalakalan at pamumuhunan," bilang paggigiit sa palagiang paninindigan ng G20 hinggil sa pagtutol sa proteksyonismo sa kalakalan at pamumuhunan.
Sinabi ni Lu, na batay sa mga multilateral at bilateral na mekanismo ng pag-uugnayang pangkabuhayan ng World Trade Organization, itatakda sa Hangzhou Summit ang Hangzhou action plan hinggil sa pagtutol sa proteksyonismo sa kalakalan at pamumuhunan. Dagdag niya, umaasa ang panig Tsino na makakatulong ang action plan na ito sa malakas, sustenable, balanse, at inklusibong paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai