|
||||||||
|
||
Binuksan Sabado, Setyembre 3, 2016, sa Hangzhou ng Tsina ang B20 Business Summit. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga palagay at mungkahi hinggil sa kabuhayang Tsino, kabuhayang pandaigdig at pangangasiwa sa mga isyu ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay ng kabuhayang Tsino, sinabi ni Xi na itinakda ng Tsina ang ideya ng pag-unlad na inobatibo, balanse, bukas, berde at nagbabahaginan. Sinabi pa niyang sa susunod na yugto, patuloy na palalalimin ng Tsina ang mga reporma at pagbubukas sa daigdig.
Bukod dito, inulit ni Xi na maisasakatuparan ng Tsina ang mga pangako sa pagbabawas ng emisyon at pasusulungin ang kooperasyong pandaigdig.
Kaugnay ng kabuhayang pandaigdig, sinabi ni Xi na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang malakas, sustenable, at balanseng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Iniharap ni Xi ang mga mungkahi ng Tsina hinggil dito na gaya ng pagpapasulong ng inobasyon, pagpapalawak ng espasyo ng pag-unlad, pagpapahigpit ng kooperasyon at pagbabahaginan.
Kaugnay ng pagpapabuti ng pangangasiwa sa mga isyu ng kabuhayang pandaigdig, sinabi ni Xi na dapat itatag ng buong daigdig ang mekanismo na makatarungan, bukas sa pag-usisa, green, mabisa, kooperatibo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |