Ipinatalastas kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Setyembre 2016, ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula ika-18 hanggang ika-28 ng buwang ito, dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa serye ng mga pulong sa mataas na antas ng Ika-71 General Assembly ng United Nations (UNGA), at pagkatapos, dadalaw siya sa Kanada at Kuba.
Sinabi ni Pangalawang Ministrong Panlabas Li Baodong ng Tsina, na ang pagdalo ni Premyer Li sa mga pulong ng UNGA ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagkatig ng Tsina sa UN, at mahalaga para sa kooperasyon ng dalawang panig. Umaasa aniya ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng mga pulong na ito, pangangalagaan ang kasalukuyang pandaigdig na kaayusan batay sa mga layon at prinsipyo ng UN Charter, pananatilihin ang kapayapaan at katatagan ng daigdig, pasusulungin ang pagpapatupad ng UN 2030 Sustainable Development Agenda, at palalakasin ang magkakasamang pagharap sa iba't ibang hamon sa daigdig.
Kaugnay naman ng pagdalaw sa Kanada at Kuba, sinabi ni Li na ito ay magbibigay ng lakas sa pag-unlad ng relasyon at kooperasyon ng Tsina sa naturang dalawang bansa.
Salin: Liu Kai