Pagkaraan ipatalastas noong ika-14 ng Setyembre, 2016 ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagkansela sa sangsyon sa Myanmar at numbalik ng trade preferences, nanawagan noong ika-15 ng Setyembre, 2016 si Aung San Suu Kyi, Pambansang Tagapayo ng Myanmar sa mga bahay-kalakal ng Amerika na mamuhunan sa Myanmar. Aniya, ang pag-unlad ng kabuhayan ay makakapagpasulong sa paniniwala ng mga mamamayan at puwersang militar na ang demokrasya ang pinakamabuting landas para sa Myanmar.
Winika ito ni Suu Kyi sa isang evening banquet na idinaos ng US-ASEAN Business Council.
Noong 2015, 227 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Amerika at Myanmar. Samantala, wala pang 1% ng halaga ng lahat ng pamumuhunang dayuhan sa Myanmar ang galing sa Amerika.
Salin: Andrea