Sa paanyaya ni Punong Ministro Justin Trudeau ng Kanada, dumating nitong Miyerkules, September 21, 2016 sa Ottawa Macdonald-Cartier International Airport, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para simulan ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Kanada.
Ipinahayag ni Li na opisyal na sisimulan ng pagdalaw na ito ang mekanismo ng diyalogo sa pagitan ng dalawang PM ng Tsina at Kanada. Aniya, ibayo pang makikipag-usap siya kay Trudeau at ibang mga lider ng Kanada tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan, para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, upang mapasigla ang relasyon ng Tsina at Kanada sa bagong panahon.
Dumating sa Ottawa si Premyer Li pagkaraan dumalo sa serye ng pulong ng Ika-71 Sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN sa New York.