Idinaos kamakailan sa Hanoi, Biyetnam, ang tatlong-araw na ika-9 na pagsasanggunian ng mga dalubhasa ng Tsina at Biyetnam hinggil sa kooperasyong pandagat sa mga di-sensitibong aspekto. Kalahok dito ang mga kinatawan mula sa ministring panlabas at iba pang may kinalamang departamento ng Tsina at Biyetnam.
Sinuri ng dalawang panig ang kalagayan ng pagpapatupad ng mga proyektong pangkooperasyon sa taong ito. Itinakda nila ang mga bagong proyekto sa susunod na taon, na kinabibilangan ng isang magkasamang pananaliksik sa pagsasaayos ng kapaligiran ng dagat at mga isla sa Beibu Gulf. Ipinahayag din ng dalawang panig ang intensyon hinggil sa pagtutulungan sa pag-aalaga ng mga sea creatures sa naturang gulpo.
Salin: Liu Kai